Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Isang estudyante patay matapos mahulog umano mula sa ika-limang palapag ng isang mall

by DWIZ 882 October 5, 2019 0 comment
TUMALON SM NORTH

Isang lalakeng senior high school student ang nahulog umano mula sa ika-limang palapag ng SM North Annex sa Quezon City kaninang alas 5:37 ng hapon.

Kinilala ang lalake na si Ace Jeadam Soriano Ong, estudyante sa San Francisco High School.

Agad namang isinugod si Ong sa Quezon City General Hospital subalit binawian din ito ng buhay.

Ayon sa Quezon City Police Station 2 Masambong, posibleng nag suicide ang lalake.

Samantala, inaalam pa kung nagkaroon ng foul play sa nasabing insidente.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment