Mas pinalawak pa ng Globe ang commitment nito na hubugin ang susunod na henerasyon ng mga innovator sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa mga estudyante, educator, at industry leader sa Innovania 2025: The Builder’s Blueprint – Student Discovery.
Nabatid na ang large-scale discovery event ay magkakasabay na idinaos sa Luzon, Visayas at Mindanao, na lumikha ng kakaibang nationwide platform para ipakita ng STEM learners ang kanilang pagiging malikhain at mga ideya.
Sinasabing bilang bahagi ng programa ng Globe, ang inisyatiba ay nakatuon sa pagpapasali sa mga estudyante sa Electronics and Communications Engineering (ECE) at Computer Engineering. Sa paglalantad sa mga ito sa mga pinakabagong kaganapan sa teknolohiya, layon ng programa na pukawin ang interes ng mga tech student na tuklasin kung paano makatutulong ang digital solutions na isulong ang ekonomiya at mga komunidad ng bansa.
“By providing a platform for student ideas to flourish and go for their dreams, we are investing in the country’s next generation of technology leaders,” sabi ni Roche Vandenberghe, Chief Marketing Officer at Globe.
Nakiisa rito ang mahigit 100 estudyante mula sa 19 unibersidad at organisasyon sa buong bansa. Ang mga participant ay lumahok sa learning sessions sa 5G, Internet of Things (IoT), at gamification, na sinundan ng isang Ideathon kung saan nagtulungan ang student teams na maglahad ng real-world solutions sa mahahalagang hamon.
Tumanggap ang mga nanalo ng isang Cubikit at mentorship mula sa Cubicore, na nagbigay-daan upang ipagpatuloy nila ang pagpapahusay sa kanilang mga proyekto sa tulong ng propesyunal na gabay.
Maliban sa kumpetisyon, ang mga estudyante ay ipinakilala rin sa Student Program ng Globe, na nag-aalok ng malalim na learning experiences tulad ng internships, volunteer opportunities, at guided tours sa mga opisina at data centers ng Globe.
Ang mga inisyatibong ito ay nagbigay sa kanila ng malinaw na pananaw kung paano nag-ooperate at nag-i-innovate ang pinakamalaking platform ng digital solutions sa bansa sa malakihang paraan.
“Globe Innovania 2025 allowed us to fulfill our mission to evangelize IoT technology to Filipino youth. We are very excited to work on the ideas presented during the IoT Ideathon. This is a crucial step in inspiring students to innovate by deploying real IoT solutions created by themselves,” ani Carl Rowan, Co-Founder of Cubicore.
Pagdiriwang sa mga nagwaging mag-aaral
Ang IoT Ideathon ay tinampukan ng breakthrough projects mula sa mga student innovator na nagpabilib sa mga judge sa kanilang pagiging malikhain at hangarin na makagawa ng pagbabago. Ibinahagi ng De La Salle University – Google Developer Group team na ang pagwawagi sa Cubicore Ideathon ay hindi nila inaasahan sa harap ng antas ng inobasyon mula sa mga kalahok. “It’s a testament to the talent in the Philippine student tech community,” pahayag ng koponan, idinagdag na nagpapasalamat sila sa pagkakataong makatrabaho ang Cubicore at gamitin ang Cubikit upang maisakatuparan ang kanilang mga ideya.
Para sa PUP-REC Manila team, ang pagwawagi sa Globe Innovania 2025 ay higit pa sa pagkilala, ito ay isang pagkakataon upang maglingkod. “We thank Globe for opening doors for innovators like us and Cubicore for equipping us with the Cubikit and mentorship that will help make our vision a reality.”
Samantala, nagpahayag ang UST Computer Science Society, tumanggap ng Model Community Award, ng pasasalamat sa Globe sa pagkilala sa kanilang pagpupunyagi.
“This achievement marked an unforgettable experience for our team, especially as it was the first experience of its kind for most of our members. We feel truly honored to have received such a prestigious award on our very first endeavor in such a big competition.“