Inaasahang papalo sa 5.9 percent ang inflation o pagbilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Agosto.
Sa taya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posibleng nasa saklaw ng 5.5 hanggang 6 percent ang rumehistrong pinakabagong inflation.
Bunsod umano ito ng pagtaas ng presyo ng bigas at ilang pang produktong pagkain na bunsod ng mga naranasang pagtama ng bagyo at pananalasa ng habagat.
Maliban dito, posibleng maka-apekto rin sa pagbilis pa ng inflation nitong nakaraang buwan ang pag-akyat ng presyo ng mga produktong petrolyo at LPG maging ang bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ng Meralco.
Kasabay nito, tiniyak ng BSP na patuloy silang nakabantay sa mga posible pang makaapekto sa inflation.