Pangkalahatang naging mapayapa at matagumpay ang lahat ng mga plano sa seguridad sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Junior.
Ayon kay PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao Junior, walang iniulat na anumang kaguluhan o untoward incidents sa makasaysayang panunumpa ng ika-17 pangulo ng bansa.
Ito, anya, ay kahit naglunsad ng kilos-protesta ang ilang grupo sa Lungsod ng Maynila, kung saan idinaos ang inagurasyon.
Umabot ng ilang araw ang preparasyon para sa nasabing aktibidad upang matiyak na maging ligtas ang lahat nang dumalo. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)