Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa mga nasirang Bakuna kontra COVID-19, kahit palitan pa ito ng COVAX Facility.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, pursigido ang Senado na imbestigahan ang P5 hanggang P13 billion na halaga ng expired COVID-19 vaccines, kahit committed ang COVAX na magpadala ng mga bagong dose.
Kailangan kasi aniyang mapanagot ang mga nagpabaya na nagresulta ng pagkasayang hindi lamang ng pera kundi ng oras at resources ng National Vaccination Program.
Samantala, iminungkahi rin ng Senadora na ipakilala ang penal provision sa COVID-19 Vaccination Program Act, para mapanagot ang mga tao na nagsayang ng COVID-19 vaccines.