Kumbinsido ang isang political analyst na malaki ang magiging epekto ng gumugulong na imbestigasyon ng Senado at Kamara sa sinasabing maanomalyang flood control project.
Ayon kay Professor Dennis Coronacion ng UST Political Science Department, posibleng maapektuhan ng imbestigasyon ang mga political plans at ambisyon ng ilang senador at kongresista sa 2028 elections.
Ang mga pangalan aniyang idiniin sa mga pagdinig ay maaaring humarap sa hamon sa muling pagtakbo lalo’t posibleng gamitin ang isyu laban sa kanila.
Gayunman, ipinaliwanag ni Coronacion na karamihan sa ebidensya ay mas tumatama sa burukrasya gaya ng mga nasa DPWH maging sa mga contractors at hindi direkta sa mga senador at kongresista.