Pinalagan ni Iloilo City Mayor John Patrick Mabilog ang muling pagdadawit sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa narco list.
Ayon sa alkalde, batid naman ng lahat na hindi siya protektor ng iligal na droga at wala siyang anumang kaugnayan sa mga drug personalities sa kanilang lungsod.
Nagtataka si Mabilog kung bakit siya pinagdi-diskitahan ng Pangulo gayung ipinakita naman niya ang masidhing pagsuporta sa kampaniya kontra droga ng administrasyon.
Kasunod nito, muling tiniyak ni Mabilog na handa siyang humarap sa alinmang pagdinig o imbestigasyon upang linisin ang kaniyang pangalan.
By Jaymark Dagala