Ilang transmission lines sa Southeastern Mindanao ang hindi gumagana matapos ang 7.5 magnitude na lindol na tumama sa Davao Oriental.
Kabilang dito ang Davao–Toril 69kV line, Nabunturan–Asuncion 69kV line, at Nabunturan–Masara 138kV line.
Ang mga linya ng 69kV ay nagsusuplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Davao City, Davao del Norte, at Davao de Oro.
Samantala, nananatiling matatag ang power transmission services sa Northeastern, North Central, at Southwestern Mindanao.
Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines na maglalabas ito ng karagdagang update kapag may bagong impormasyon.