Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang 10 lugar sa bansa.
Batay sa latest bulletin ng BFAR, pinagbabawal ang pagkain ng shellfish at acetes o alamang sa Milagros sa Masbate, Sorsogon bay sa Sorsogon.
Gayundin sa karagatang sakop ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol, Matarinao bay sa Easter Samar, Dumanquillas bay sa Zamboanga Del Sur.
Murcielagos bay sa Zamboanga Del Norte, Murcielagos Bay sa Sapang Dalaga at Baliangao sa Misamis Occidental, Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Samantala, ligtas naman umanong kainin ang isda, pusit himon at alimango sa mga nabanggit na lugar basta ito ay huhugasan at lilinising mabuti bago lutuin.