Ilang mga tren ng Philippine National Railways (PNR) ang na-damage dahil sa pamamato.
Ayon kay PNR officer-in-charge at spokesperson Crissy Ecalnea, 14 na insidente ng paghahagis ng bato sa mga tren ang naitala simula lamang noong December 2 hanggang 21.
Mahirap aniyang mapanagot ang mga salarin dahil hirap na matukoy kasi naglalakbay ang tren at madalas ay nagtatago ang mga nambabato.
May isang insidente aniyang nahuli ang salarin ngunit dahil isa itong menor de edad ay pinakawalan din ito.
May nakahaing panukalang batas sa kongreso na maparusahan ang sinumang mananabotahe sa mga train operations.