Tumigil na sa pagtatrabaho ang mahigit 100 Pilipino sa tinaguriang Bin Laden Camp sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon sa Migrante International, inirereklamo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang hindi pagpapasuweldo sa kanila sa nakalipas na dalawang buwan.
Ipinabatid pa ng Migrante na mayroon ding sumusuweldo ng malaki ang sinibak na ng kumpanya.
Sinabi ng Migrante na isang paraan ang naiisip ng mga OFW ay pagbebenta ng bahagi ng mga pagkain sa kanilang food allowance tulad ng manok na inihihiwalay ang balat at ibinibenta sa kapwa OFW at ang kita ay ipinapadala sa mga kaanak sa bansa.
Libu-libong Pakistani, Nepalese, Indians at iba pang nationality ang tumigil na rin sa pagtatrabaho.
By Judith Larino | Allan Francisco