Pinag-aaralan na ng Office of the Ombudsman ang pag-live stream sa mga preliminary investigation ng mga hawak nitong kaso.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, ito’y upang mas maging bukas at transparent ang proseso ng imbestigasyon, kabilang ang multi-billion peso flood control scandal.
Maliban dito, ikinukunsidera rin ng tanggapan ang posibilidad ng pagdisenyo ng isang sistema na magbibigay-daan sa publiko na mapanood nang live ang mga pagdinig ng preliminary investigation.
Kaugnay nito, sisimulan na ng Ombudsman ang pagpapalabas ng mga desisyon, kabilang na ang mga naunang resolusyon sa kaso ni Senador Joel Villanueva hinggil sa sinasabing maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF noong siya pa ay kongresista.— sa panulat ni Mark Terrence Molave




