Binaha rin ang ilan pang bahagi ng Metro Manila matapos ang malakas na buhos ng ulan, kahapon.
Kabilang sa nalubog pasado alas-4 ng hapon ang bahagi ng U.N. Avenue sa Lungsod ng Maynila kaya’t hindi nakadaan ang mga sasakyan dahilan naman upang ma-stranded ang mga pasahero.
Gutter-deep naman ang tubig sa kanto ng Pureza Street at Ramon Magsaysay Boulevard sa Santa Mesa maging sa ilang bahagi ng Taft Avenue.
Una nang inihayag ng PAGASA na ang malakas na pag-ulan ay dulot ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon.