Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Iisang kandidato ng oposisyon inaasahan ni Robredo

by DWIZ 882 September 26, 2021 0 comment
leni robredo

Hindi pa rin bumibitaw si Vice President Leni Robredo sa pag-asang isang kandidato lamang ang isasabong ng united opposition sa 2022 national elections.

Sinabi ni Robredo na tiwala pa rin siya sa mga susunod pang unity talks sa iba pang kandidato ng oposisyon.

Ayon kay Robredo ..wala siyang choice kundi maglabas ng desisyon bago mag October 8 kayat mayruon pa siyang dalawang linggong pag isipan ang kanyang political move sa darating na eleksyon.

Pinag iisipan aniya niyang mabuti para ang anumang susuunging posisyon ay makakapigil sa pagbabalik sa posisyon ng Marcoses at tatapos sa mga aniya’y korupsyon sa gobyerno.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment