Tiniyak ng Independent Commission for Infrastructure na ipagpapatuloy nila ang kanilang mandato na imbestigahan ang maanomalyang flood control projects sa kabila ng kawalan ng kapangyarihang makapag-contempt ng mga indibidwal na posibleng sangkot sa kontrobersya.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, patuloy sila sa pag-iimbestiga kahit na recommendatory power lamang ang mayroon sila.
Pinawi rin ni Exec. Dir. Hosaka ang takot ng publiko na baka ma-whitewash o madaya ang imbestigasyon dahil closed-door ang kanilang mga ginagawang pagdinig.
Naninindigan din ang ICI sa desisyon nito na hindi i-livestream ang imbestigasyon dahil maaari anila itong magamit sa pamumulitika.
Dahil dito, naglalabas na lamang ang komisyon ng mga litrato ng mga resource persons na sumasailalim sa kanilang mga hearing.