Pansamantalang bumaba sa pwesto ang International Criminal Court Prosecutor na si Karim Khan.
Ito ay sa gitna ng pag-gulong ng imbestigasyon kaugnay sa sinasabing kaso nito na sexual misconduct.
Mariin naman itong itinanggi ni Khan at sinabing marami siyang natatanggap na pag-atake, gayundin ang ICC.
Nakilala ang singkwenta’y singko anyos na prosecutor matapos nitong buksan ang imbestigasyon kaugnay sa ipinatupad na war on drugs campaign sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. — sa panulat ni John Riz Calata