Walang pinagkaiba ang kalagayan sa kasalukuyan sa mga ospital kumpara noong Marso at Abril 2020 sa ilalim ng ECQ sa Kamaynilaan.
Ito ay ayon kay Philppine Hospital Association president Jamie Almora. Sa kasalukuyan kasi, mas maraming pasyente ang tumutungo sa mga pagamutan dahil naman sa mga non-COVID problems kagaya na lang ng dengue at influenza. Pero ayon sa Phappi, patuloy pa rin aniya ang paghahanda ng mga ospital para sa pagdami ng mga may sakit na COVID-19.
Katunayan, marami ng mga pagamutan ang naglagay ng mga oxygen generating machines kahit maayos pa ang supply nito. Pag-amin naman ni Almora na problema pa rin nila ang manpower hanggang sa ngayon sa mga ospital kaya ang kanilang diskarte ay kumukuha na lang din sila ng mas maraming nurse aid na siyang bahala sa mga leg works ng nurses.—sa panulat ni Rex Espiritu