Ipinag-utos ng Korte Suprema ang imbestigasyon kaugnay sa ginawang pag-isyu ng isang hukom sa Eastern Visayas ng Search Warrant sa Criminal Investigation and Detection Group ng Region 8 laban kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa na naging sanhi naman ng maagang pagpanaw nito.
Nais malaman ng Korte Suprema ang basehan ng naturang search warrant na inisyu ni Judge Tarcelo Sabarre Jr. ng RTC Branch 30 ng Basay, Samar.
Magugunitang inihain ang nasabing search warrant kay Mayor Espinosa habang ito’y nakakulong sa sub provincial jail ng Baybay City sa Leyte.
Ayon naman kay Supreme Court Spokesman Attorney Theodore Te, wala pa silang itinalagang kumite para pangunahan ang iniutos nitong imbestigasyon.
By: Avee Devierte / Bert Mozo