Ipinaliwanag ng Commission on Elections ang hindi paglalabas ng pangalan ng mga kandidatong ibinoto ng mga Overseas Filipino.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, bahagi ito ng pagprotekta sa mga boto ngayong 2025 midterm elections.
Sinabi ni Chairman Garcia na maaari namang ma-verify ng mga Overseas Filipino voters kung tama ang pangalan ng kandidatong kanilang ibinoto sa pamamagitan ng isasagawang random manual audit.
Aniya, lalabas ang machine-readable code matapos bumoto ng mga Pilipinong botante sa ibang bansa, at pagkatapos ng botohan sa May 12 ay magagamit na ang code upang makita ang pangalan ng kanilang binotong kandidato.
Binigyang-diin ng Poll Body Chief na iniiwasan nila na magamit sa vote buying ang resibo na naglalaman ng mga pangalan ng binotong kandidato. —sa panulat ni John Riz Calata