Mahigit 237.7-billion pesos ang ipinapanukalang budget ng ehekutibo para mapondohan ang flood management projects ng gobyerno sa susunod na taon.
Batay sa isinumiteng 2026 National Expenditure Program ng Department of Budget and Management sa Kamara, nakasaad na 235.1-billion pesos ang panukalang alokasyon para sa flood management program ng Department of Public Works and Highways.
Habang may hiwalay na 2.6-billion pesos na nakalaan para sa Metro Manila Flood Control Program, para sa operasyon at pangangasiwa ng iba’t ibang pumping stations sa NCR, at mabawasan ang conveyance capacity ng Pasig River.
Ayon kay Pang. Ferdinand Marcos, Jr., layon din ng budget ng Metro Manila Flood Control Program na pagbutihin ang effective flood control operation system para mapabilis ang paghupa ng baha, at mapabuti ang flood monitoring.
Samantala, may hiwalay pang alokasyon para sa pagtatayo ng flood mitigation infrastructure, na manggagaling sa 69.7-billion pesos na pondo para sa Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gaps programs, na nakapaloob sa convergence projects.