Mahigit 600 establisyimento ang hindi sumunod sa pagpapatupad ng health protocols upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y base sa isinagawang inspeksiyon ng Department Of Labor and Employment mula noong Enero hanggang ika-18 ng Pebrero ngayong taon.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, halos 4,000 establisyimento ang sinuri upang matukoy kung sumusunod ito sa mga alituntunin sa pag-iwas ng COVID-19.
Dagdag ni Cucueco, nasa 80% lamang ang sumunod sa ipinatupad na mga health standards habang ang 600 ay maraming kakulangan sa pagpapatupad ng mga health protocols.
Kabilang aniya sa anim na raang establisyimento na may kakulangan , 300 rito ang may paglabag sa Occupational Safety and Health o OSH.
Samanatala, karamihan sa mga sumusunod na kumpanya ay ang Metro Manila, naitala naman sa Central Luzon, hilagang Mindanao at rehiyon ng Davao ang may pinakamataas na rate na pagsunod sa health protocols.— sa panulat ni Rashid Locsin