Mahigit 4-M benepisyaryong apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila ang nakatanggap na ng ayuda.
Ito ay ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 4,643,201 na benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda o 41% ng P4,643,201,000 cash assistance.
Samantala, naipamahagi na ang 71% ng ayuda sa Iloilo City habang 55% sa Cagayan De Oro at 57% sa Gingoog, Misamis City.
Sa bataan naman, 385 pamilya pa lamang ang nabibigyan ng ayuda dahil ilang munisipalidad pa ang hindi nagsisimulang mamahagi ng ayuda.