Halos pitong porsyento ng mga Pilipino edad lima pataas ang hindi marunong magbasa at magsulat.
Batay ito sa inilabas ng 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey ng Philippine Statistics Authority kung saan aabot sa 3.2% ang maituturing na “low literate” habang 90% ang mga Pilipino ang may “basic literacy”.
Nasa 7.6% naman ang illiteracy rate ng male population sa bansa, na mas mataas kumpara sa 6.1 percent para sa kababaihan.
Ayon sa PSA, may pinakamataas na naitala ang illiteracy rate na 14.4% sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Isinagawa ang survey sa mahigit kalahating milyong indibidwal mula mahigit isangdaang libong kabahayan sa buong bansa.