Lumagpak sa pinakababang halaga sa halos dalawang dekada ang piso matapos magsara ang palitan sa dolyar sa P54.47, kahapon.
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar simula November 21, 2005 kung saan umabot ito sa P54.74 kada U.S dollar.
Ang datos na ito ay pabor para sa mga overseas Filipinos na nagpapadala ng dolyar sa kanilang pamilya, na nangangahulugan din ng mas malaking halaga nang ipinapalit sa piso.
Sa gitna ito ng inaasahang pagtaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang interest rates laban sa inflation gamit ang 50-basis-point hike.
Magugunitang umabot sa “all-time high” ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa P12.76 trillion noong Abril, bagay na naapektuhan na noon ng paghina ng piso kontra dolyar.