Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Halaga ng pinsala sa mga irigasyon dulot ng bagyong #PaengPH, pumalo sa P200-M

by DWIZ 882 November 4, 2022 0 comment
NIA

Inihayag ng National Irrigation Administration (NIA) na pumalo na sa P200-M ang halaga ng napinsala sa mga irigasyon sa ilang lugar sa bansa bunsod ng Bagyong Paeng.

Sa datos ng ahensya, apektado ang 16,367 magsasaka mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 9, at 12.

Ayon sa NIA, hinihintay pa ng kanilang ahensya ang pondong ilalaan para sa pagsasaayos ng mga pinsalang iniwan ni bagyong Paeng sa Irrigation System.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang operasyon ng NIA para sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong magsasaka.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment