Nananatiling maluwag ang mga ospital kahit nakapagtala ang ilang pagamutan ng mangilan-ngilang pasyente na may COVID-19.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, na nakahanda na rin sila sakaling tumaas ang kaso ng nakahahawang sakit.
Sinabi pa ni Limpin na hindi pa nakakabahala sa ngayon ang naitalang mga kaso ng subvariant ng Omicron na BA.2.12.1 sa bansa.
Sa kabila nito, patuloy na nananawagan si Limpin sa mga hindi pa nababakunahan na magpaturok na ng COVID-19 vaccine bilang karagdagang proteksyon.