Hinimok ng grupo ng mga abogado ang kongreso na pagtuunan ng pansin ang panukalang paglalaan ng pondo para sa tao at hindi ang pagbibigay ng emergency power sa isang tao lamang kaugnay sa kampanya kontra COVID-19.
Magre resulta sa autocracy ayon kina Atty. Pacifico Agabin, Tony La Vinia, Neri Colmenares, Jojo Lacanilao at Kristina Conti at concerned lawyers for civil liberties ang hinihinging emergency powers ng malakaniyang na walang eksaktong petsa kung kailan matatapos at maaari pang palawigin ng kongreso base na rin sa nakasaad sa section 9 ng panukala.
Nangangamba rin ang mga naturang abogado na ang panukala ay hindi tamang tugon sa banta ng COVID-19 at sa halip ay makapagpalala pa ito sa sitwasyon.
Binigyang diin pa ng mga naturang abogado na makokumpromiso ang aspeto ng checks and balances ng tatlong sangay ng gobyerno gayundin ang kanilang fiscal autonomy kapag nai-centralize ang power of the purse sa executive na trabaho ng legislative.