Kasal ang isa sa pinakamalaking milestone sa pagsasama ng isang couple dahil ito ang magbubukas ng panibagong yugto sa kanilang buhay. Pero ang mga tao sa ginanap na kasalang bayan sa Peru, too stunned to speak nang bigla na lang tumakbo papalabas ng venue ang isang bride habang umiiyak katulad sa mga pelikula.
Ang buong kwento, eto.
Sa katatapos lamang na araw ng mga puso, ginanap sa Bagua, Peru ang isang mass wedding o kasalang bayan kung tawagin dito sa Pilipinas kung saan maraming couples ang ikinakasal.
Isa sa mga ito ang 20 taon nang nagsasama na sina Claver Romero at Elena Barrantes. Pero sa haba man ng prosisyon, hindi sa simbahan natuloy ang dalawa.
Si Elena kasi, umiiyak na agad nang humarap sila ni Claver sa altar at nang oras na ng sumpaan, sa halip na mag “I do’, sorry ang isinagot ni elena sabay sabi ng, “I don’t.”
Pagkatapos noon ay umiiyak na tumakbo papalabas ng venue si Elena na siya namang nagpatahimik sa mga dumalo sa mass wedding.
Pipigilan pa sana ni Claver ang kaniyang runaway bride pero nanatili na lang ito sa kaniyang pwesto habang bakas ang gulat at hindi malaman kung ano ang sunod na gagawin.
Ang kasalang bayan, naka livestream pa man din sa social media page ng local government na madalas ay nagsasagawa ng mga mass wedding para sa mga couple na gustong magpakasal pero hindi afford ang kailangan bayaran para sa license fees.
Isiniwalat naman ni Elena sa isang interview ang tunay na dahilan kung bakit niya iniwanan ang lalaki sa altar. Sinabi ni Elena na isang araw bago ang kasal ay nalaman niya sa pamamagitan ng isang ebidensya mula sa kaniyang kaibigan na niloko pala siya ni Claver.
Ang ebidensya, pinapakita na mayroong kahalikang ibang babae si claver. Kaya naisipan ni Elena na iwan ito sa altar para turuan ito ng leksyon at ipaintindi rito ang ginawang pagkakamali.
Samantala, humingi ng tawad si Claver kay Elena on live television at umaasa na matutuloy ang kanilang kasal balang araw. Habang si Elena naman, aminado na nagbago na ang nararamdaman para sa lalaki pero pinatawad niya ito at ipinagpatuloy pa rin ang kanilang relasyon.
Ikaw, handa ka bang magbigay ng second chance kung sa’yo ito mangyari?