Makatatanggap ng P5K gratuity pay ang mga contract of service at job order workers sa gobyerno.
Ito ang nakasaad sa administrative order 46 na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Alinsunod sa A.O., kailangang may apat na buwan na actual satisfactory performance of services ang mga manggagawa batay sa kani-kanilang kontrata as of December 15.
Saklaw ng kautusan ang pagkakaloob ng “gratuity pay” sa mga C.O.S. At J.O. sa national government agencies, state universities and colleges, government-owned o controlled corporations at local water districts.
Kamakailan ay napaulat na nagreklamo ang ilang government contractual worker makaraang hindi mabigyan ng benepisyo gaya ng tinanggap na P10K service recognition incentive ng mga casual government personnel.