Isang sintomas ng gout ang matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan o joints ng mga daliri sa paa, bukung-bukong o ankle, at tuhod.
Para malaman kung gouty arthritis ang sakit, kailangang suriin ang uric acid sa pamamagitan ng isang blood test dahil ang mataas na uric acid ay maaaring mabuo at pumunta sa kasu-kasuan.
Upang maiwasan ang gout, umiwas din sa pagkain ng atay, bopis, batchoy, bato, balunan, at mga tusok-tusok na isaw ng baboy.
Gayundin ang mga isda na alumahan, bangus, dilis, bisugo, matang baka, tunsoy, at tulingan.
Kailangan ding iwasan ang pag-inom ng maraming tubig para mailabas ang uric acid.
Panatilihin ang tamang timbang, iwasang tumaba at iwasan ang matatamis na pagkain dahil kapag bumigat, mas mapupudpud at mahihirapan ang mga joints sa katawan.