Walang nilabag na mga karapatan ang pagsulong ng gobyerno na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga edad 5 hanggang 11.
Ito ang sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chief health undersecretary Myrna Cabotaje kung saan hindi aniya mandatory o sapilitan ang nasabing bakunahan.
Paliwanag ni Cabotaje, ang mga magulang naman ang magbibigay ng pahintulot sa kanilang mga anak.
Sinabi pa niya na ipinapaliwanag din nila sa mga bata ang mangyayari sa bakunahan, kung ano ang ituturok na vaccine at mga benepisyo nito gayundin ang epekto.
Samantala, inaasahan ng health authorities na makararanas ng adverse effect ang mga nasabing menor-de-edad na kapareho sa mga nasa hustong gulang tulad ng lagnat at pananakit sa bahagi ng tinurukan ng bakuna.–-sa panulat ni Airiam Sancho