Naglalan ng P19 Billion ang pamahalaan para labanan ang epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay National Economic Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nagmula ang nasabing pondo sa savings ng gobyerno.
Habang P6.6 Billion naman na bahagi ng pondo ang nagmula naman sa pambansang budget para sa taong ito.
Paliwanag ni Balisacan, kailangan ang nasabing pondo para agad tugunan ang mga kinakailangang hakbang para hindi maramdaman ang epekto ng El niño na inaasahang titindi pa sa pagpasok ng susunod na taon.
By: Jaymark Dagala