Aabot sa 1.22 billion pesos ang kinita ng gobyerno sa unang buwan nang pagpapatupad ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) tax law.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), simula Oktubre a–nwebe hanggang Disyembre a – trenta’y uno ay 709.39 million pesos na withholding taxes ang nakolekta ng pamahalaan mula sa mga POGO.
Kabilang din sa nakolekta ang 409.93 million pesos na kita sa paglalaro at 89.67 million pesos mula sa income tax, 5.33 million peso value added tax, 4.96 million peso tax at 3.34 million peso stamp tax.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre ang Republic Act 11590 na nagkabisa noong Oktubre a–nwebe.—sa panulat ni Mara Valle