Nakabalik na ng kanilang bahay ang nasa 124 na pamilya o 450 indibidwal matapos lumikas dahil sa panibagong pagsabog ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, lumikas ang mga residente noong linggo matapos ang 18 minuto phreatic eruption.
Tumulong sa pagpapauwi ang PCG na inihatid mismo ang mga residenteng nakatira sa Barangay Puting Sapa at Barangay Dayhag.
Kahapon, umabot sa 69 na volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng bulkan.
Nananatili namang nakataas ang Alert level 1 sa bulkan kaya posible pa rin ang phreatic eruptions.