Hindi sakop ng uniform curfew ang food deliveries.
Ginawa ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia ang paglilinaw kasunod ng pagbabalik sa general community quarantine (GCQ) ng Metro Manila.
Paliwanag ni Garcia, nagkasundo ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na i-exempt ang mga fast-food chains at restaurants sa curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Maliban dito, sinabi ni Garcia na pinapayagan din ang 24/7 na food deliveries ng mga restoran o fast-food chains.