Ipinagmamalaki ng Philippine National Police ang pagbaba ng mga naganap na krimen sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Randulf Tuaño, bumaba ang naitalang focus crimes sa mahigit dalawampu’t pitong libo simula Enero 1 hanggang Oktubre 9 ngayong taon — mas mababa kumpara noong 2024 na mahigit tatlumpu’t isang libong krimen.
Saklaw ng focus crimes ang mga krimeng carnapping, pagnanakaw ng motorsiklo, robbery, rape, theft, murder, homicide, at physical injury.
Batay sa datos ng pulisya, ang kaso ng rape ang bumaba ng 22%, sinundan ng robbery na mayroong 17.35%.
Kaugnay nito, wala ring naitalang mga looting incidents sa mga nagdaang lindol sa Cebu at sa Davao Oriental.