Aminado si Public Works and Highways Secretary Manuel “Manny” Bonoan na hindi lamang nakasalalay sa mga flood control project ang solusyon sa kinahaharap na problema ng baha.
Ayon kay Secretary Bonoan, dapat ding tutukan ang mga usaping pangkapaligiran, land use, at koordinasyon ng mga local government unit.
Bagaman wala pa umanong isang nationwide master plan para sa lahat ng ilog at lugar, mayroon namang umiiral na master plan para sa labingwalong major river basins sa bansa.
Tinukoy din ng kalihim ang labis na pagbabaw ng mga ilog, lawa, estero, at iba pang waterways na ugat ng matinding pagbaha. Kaya’t dapat aniya maging puspusan ang desilting at dredging operations lalo na sa mga flood-prone area.