Iprinoklama na ng COMELEC ang 51 party list groups na nanalo sa nakalipas na midterm elections.
Ang nasabing party list groups ay o-okupa sa 61 seat sa Kamara.
Nangunguna sa mga nanalong party list group ang ACT-CIS na nakakuha ng 2.6 million votes at sinundan ng Bayan Muna na nakakuha naman ng 1.1 million votes at kapwa nakakuha ng tatlong seat sa pagpasok ng 18th congress sa July 1.
Nasa ikatlo at ika walong puwesto naman at mayroong tig dalawang seat ang mga party list groups na Ako Bicol, Cibac, Ang Probinsyano, 1-Pacman, Marino at Probinsyano Ako.
Tig isang seat naman ang nakuha ng iba pang nanalong party list groups na Senior Citizens, Magsasaka, APEC, Gabriela, An Waray, COOP-NATTCO, Alliance of Concerned Teachers, PHILRECA, Ako Bisaya, Tingog Sinirangan, Abono, Buhay, Duterte Youth, Kalinga, Puwersa ng Bayaning Atleta, Alona, Recoboda, Bagong Henerasyon, Bahay at CWS.
Bukod pa ito sa Abang Lingkod, A-Teachers, BHW, Sagip, Trade Union Congress of the Philippines, Magdalo, GP, Manila Teachers, RAM, Anakalusugan, Ako Padayon, Aambis-owa, Kusug Tausug, Dumper PTDA, TGP, Patrol, AMIN, Agricultural Sector Alliance of the Philippines, LPGMA, OFW Family, Kabayan, Diwa at Kabataan.
29 sa mga nasabing party list group ay incumbent at naihalal sa panibagong termino.
Uubra namang makakuha ng slot ang mga party list group na hindi umabot sa two percent threshold dahil nakasaad sa party list law na 20 porsyento ng mga miyembro ng Kamara ay dapat magmula sa party list rank.