Hindi muna makakalaro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang FEU Player na si Rj Abarrientos.
Ito ay para paghandaan ang Ulsan Hyundai Mobis Phoebus sa Korean Basketball League (KBL) kung saan, kaniyang makakasama si Gilas teammate SJ Belangel na una nang pumirma sa Daegu Korea Gas Corporation (KOGAS).
Samantala, nakatakda namang pumirma ng kontrata si Abarrientos sa ilalim naman ng Asian Player Quota rule para sa 2022-2023 season.