Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Fake news nanganganib makaapekto sa desisyon ng mga botante

by DWIZ 882 January 9, 2019 0 comment
fake news

Nanganganib umanong maka apekto sa desisyon ng mga botante ang paglaganap ng fake news.

Ayon kay Communications Professor Clarissa David ng University of the Philippines, malaki ang maitutulong ng traditional media upang hindi makaapekto ang fake news sa kung paano pipili ng kanilang mga kandidato ang mga botante.

Sinabi ni David na dapat maging boses ng katotohanan ang traditional media sa harap ng paglaganap ng fake news sa social media mula sa ilang nagpapakilalang media influencers.

Sa pamamagitan aniya ng pagbubunyag ng traditional media, maaaring maglagay ito ng duda sa publiko na posibleng puro peke ang mga balitang lalabas sa isang partikular na media influencer.

—-

 

 

 

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment