Bumagsak ang export industry sa bansa.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines at Philippine Exporters Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis Jr., bumagsak na lamang sa 25% ang export na dating napagkukunan ng malaking kita ng gobyerno.
Paliwanag ni Ortiz-Luis, dahilan ng pagbagsak ng export industry ang pagiging “uncompetitive” ng Pilipinas at kawalan ng suporta mula sa pamahalaan.
Giit ng negosyante, kung umaabot sa mahigit dalawang daan ang mga exporters na pumupunta sa Malaysia, Thailand, at Indonesia, sa Pilipinas ay umaabot lamang sa sampu dahil sa kawalan ng suporta ng gobyerno.
— sa panulat ni Mark Terrence Molave




