Responsibilidad ng mga piloto na panatilihing ligtas ang kanilang mga pasahero. Pero hindi rin naman maiiwasan na magkaroon ng emergency ang mga ito, katulad na lang ng medical emergency at tawag ng kalikasan. Yan ang dahilan kung bakit ang isang eroplano mula sa germany ay panandaliang lumipad nang walang piloto!
Kung ano ang mga sumunod na pangyayari, eto.
Pebrero noong nakaraang taon nang lumipad ang isang flight ng Lufthansa Airline mula sa Frankfurt, Germany patungo sa Seville, Spain na mayroong sakay na 199 na pasahero at anim na flight crews nang bigla na lang himatayin ang isa sa mga piloto nito.
Bagama’t hinimatay ang co-pilot, nagawa pa rin umano nito na kontrolin ang eroplano at napanatili itong stable.
Bigo rin ang air traffic controller nang tatlong beses nitong kontakin ang nasabing piloto.
Sa kasamaang palad, habang nangyayari ang insidente ay nasa lavatory ang kapitan ng eroplano, at nang bumalik ito sa cockpit ay hindi nito nabuksan ang pinto kung kaya napilitan itong gamitin ang emergency code.
Mabuti na lamang at mayroong pasahero na flight crew at doctor na nagbigay ng first-aid sa co-pilot bago ito dalhin sa ospital matapos mag-reroute ang kapitan patungo sa Adolfo Suarez Madrid-Barajas Airport.
Ayon sa mga otoridad, wala umanong ideya ang co-pilot na mayroong itong neurological condition na hindi lumitaw sa kaniyang aeronautical medical examination.
Samantala, sinabi naman ng Lufthansa Airline na nagsagawa na ng imbestigasyon ang kanilang flight safety department.
Sa mga palagiang lumilipad diyan, naka-witness na rin ba kayo ng ganitong insidente habang nasa ere?