Walang cctv sa equipment room kung saan nakalagay ang communications, navigation and surveillance systems for air traffic management system ng Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP sa NAIA.
Ito ang nadiskubre sa pagtatanong ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay CAAP Director General Manuel Tamayo sa pagdinig ng Senado hinggil sa naganap na aberya sa NAIA noong Enero a – 1.
Ayon kay Zubiri, “eye opener” para sa kanya ang natuklasan na walang cctv sa napaka-selan o napaka-sensitibong lugar kung saan matatagpuan ang napakahalagang equipment na air traffic management system.
Hindi anya ito katanggap-tanggap dahil paano malalaman kung may ibang pumasok at sinabotahe ang equipment sa loob.
Iginiit naman ni Tamayo na napakahigpit ng kanilang security protocol sa equipment room kung saan hindi basta makapapasok kahit sino.
Mayroon din anya silang special i.d. para magkaroon ng access sa naturang silid. — Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)