Target ng pamahalaan na mas paigtingin pa ang earthquake preparedness efforts nito sa pamamagitan ng pagpapalawak sa maliit na grupo ng trained emergency responders upang umalalay sa posibleng pagtama ng “The Big One” sa kalakhang Mega Manila.
Binigyang diin ni Office of Civil Defense Chief Undersecretary Ariel Nepomuceno na dapat nang ikasa ang agarang paghahanda dahil sa maaaring idulot ng matinding pagyanig sa metro manila at mga karatig lugar.
Aniya, mahigpit dapat na ipatupad ang pagtutok sa national building code para i-upgrade ang construction standards ng mga gusali; at upang maiwasan ang pagtatayo ng imprastraktura sa mga high risk areas.
Target din ng ahensya na paigtingin ang ugnayan sa AFP, MMDA, Coast Guard, at red Cross para madagdagan ang bilang ng mga trained personnels. —sa panulat ni Jasper Barleta