Isinabatas na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sana sa Mayo 11 ng susunod na taon (2020).
Sa ilalim ng batas, iuurong sa December 5, 2022 ang Barangay at SK elections.
Nakasaad rin sa batas na mananatili sa kanilang posisyon ang mga nahalal na Barangay at SK Officials nuong May 2018 hanggang sa ganapin ang eleksyon sa 2022.
Samantala ang mga mahahalal sa 2022 ay magsisimula namang manungkulan sa January 1, 2023.
Dahil sa pagkakalipat ng Barangay at SK elections magiging dalawa ang gaganaping eleksyon sa 2022 una ay ang Presidential elections sa Mayo at ang Barangay at SK elections sa Disyembre.