Bigo ang Duterte administration na igiit ang arbitral win para sa interest ng bansa.
Binigyang diin ito ni Vice President Leni Robredo matapos manalo ang Pilipinas laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Robredo na walang ginawa ang gobyerno para ipagpalaban ang arbitral win ng bansa sa lahat ng mga forum na maaari itong igiit.
Binatikos din ni Robredo ang pamahalaan sa pagtalikod sa alyansa na sana’y makakatulong paa ma protektahan ang mga karapatan ng bansa sa WPS at pagsuko sa mga nambu-bully sa Pilipinas sa isyu ng territorial waters nito.
Nawalan na rin aniya ng hanapbuhay ang mga mangingisdang Pilipino sa mga lugar sa WPS.