Tiniyak ng Department of Public Works and Highways na susunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsumite ng listahan ng lahat ng flood control projects ng ahensya.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, regular silang nagsusumite ng ulat sa pangulo at kasalukuyang inaaudit ang mga proyekto bago ito tanggapin ng pamahalaan. Nasa 9,000 proyekto umano ang natapos mula Hulyo hanggang Mayo ngayong taon.
Dagdag ng kalihim, mino-monitor at iniimbestigahan nila ang mga proyekto, lalo na’t may mga bagong items sa General Appropriations Act na kasalukuyang sinusuri ng Office of the President.
May isang taong warranty ang bawat proyekto, kaya maaaring obligahin ang contractor na kumpunihin ito kung may depekto.
Tiniyak din ng kalihim na magiging mas transparent ang ahensya sa pagsusuri ng mga proyekto upang matiyak ang tamang disenyo at kapakinabangan nito.