Ipagpapatuloy ng Department of Tourism (DOT) ang pakikipagtulungan nito sa local airlines para isulong ang magagandang tourist destination sa bansa.
Ito ang inihayag ni tourism secretary Christina Frasco kasunod ng pakikipagpulong nito sa local air carriers at stakeholders mula sa industriya ng turismo.
Inirekomenda rin ng kalihim na ibalik ang mga lumang flight na nahinto dahil sa pagsirit ng COVID-19.
Aniya, ang pagkakaroon ng mga flight ay nagpapahiwatig ng pagiging bukas ng ating bansa sa pagtanggap ng domestic at foreign tourists para sa panunumbalik ng sigla sa tourism industry.—sa panulat ni Hannah Oledan