Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Tourism na lumikha ng mas marami pang trabaho sa sektor ng turismo.
Sa harap na rin ito ng lumalaking bilang ng mga dayuhan at lokal na turista sa bansa.
Sa post-SONA discussion, sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco na umabot sa 3.86-trilyon ang ginugol ng mga turista sa bansa noong isang taon, kapwa lokal at mga dayuhan.
Ayon sa kalihim, base sa record ng Philippine Statistics Administration, tinatayang 6.75-milyong mga Pilipino ang may trabaho sa sektor ng turismo habang halos 10-milyon naman ang may indirect jobs at iba pang oportunidad sa local tourism.
Nagpasalamat naman si Sec. Frasco sa Pangulo sa pagkilala nito sa kontribusyon ng industriya ng turismo sa ekonomiya ng bansa.—sa panulat ni Jasper Barleta