Tinutugis na ng National Bureau of Investigation ang “Doppelganger” Ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago, kinumpirma ni Guo na staff niya mismo ang babaeng doppelganger nito.
Sa katunayan ay ginawa nila anya itong rabbit para matunton ang kinaroroonan ng dating alkalde.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng NBI ang posibilidad na sangkot ang nasabing “doppelganger” Sa pagpapanotaryo ni Guo kay Attorney Elmer Galicia.
Iginiit ng NBI na posible rin itong maging susi sa imbestigasyon kung paano nakalabas ng bansa ang grupo ng sinibak na alkalde.